Nakikitaan ng posibilidad na makapagpatayo ng Cooperative Development Authority o CDA Provincial Cooperative Developmental, Cultural, and Gender Wellness Building sa Lingayen, Pangasinan sa taong 2025 sa oras na aprubahan ang proposed na konstruksyon para sa three-story building nito.
Ayon kay CDA-Region 1 Regional Director Frederick Joe Robles, ang nakikitang posibilidad na pagkakaroon ng CDA building sa Pangasinan ay may layon na makamit ang cooperative engagement, capacity-building at inclusivity para makapagbigay pa ng ibat ibang programa at serbisyo na maaaring maisagawa.
Sa oras umano na maaprubahan na ng Regional Development Council Region 1 (RDC 1) ang prinoposed na multifunctional building, target naman ang operationalization nito sa taong 2026.
Kung sakali, mapapakinabangan ito ng mga kooperatiba at mga miyembro niyo maging cooperative stakeholders at mga empleyado ng CDA.
May kabuuang budget na fifty-five million pesos ito mula sa share ng ahensya sa kanilang 2025 General Appropriations Act.
Bahagi ito ng pagbibigay ng pagkakataon na maipagpatuloy ang cooperatives’ development sa rehiyon pati na rin pagbibigay ng mas maayos na paghahatid ng serbisyo at programa sa lahat ng kooperatiba sa apat na probinsyang nakapaloob dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨