
βCauayan City – Umani ng matinding reaksyon sa France ang pagkamatay ng 23-anyos na estudyanteng si Quentin Deranque matapos siyang bugbugin sa Lyon.
βDalawang araw matapos ang insidente, pumanaw ang biktima dahil sa matinding pinsala sa ulo at utak.
βKinumpirma ni prosecutor Thierry Dran na isinailalim na sa imbestigasyon bilang kasong pagpatay ang nangyari.
βAyon sa mga awtoridad, sinipa at sinuntok si Deranque ng hindi bababa sa anim na katao kasunod ng komprontasyon ng dalawang grupo.
βBago mangyari ang insidente, sumuporta si Deranque sa kilos-protesta ng hard-right feminist collective na NΓ©mΓ©sis laban sa pagbisita ng isang makakaliwang politiko sa lungsod.
βItinuro ng mga opisyal ng administrasyon ni Pangulong Emmanuel Macron ang mga militanteng βfar-leftβ bilang responsable sa krimen.
βSinabi ni Interior Minister Laurent NuΓ±ez na malinaw umanong gawa ito ng kaliwang grupo at inilarawan ang pangyayari bilang βmob killing.β
βSamantala, iginiit ni Jean-Luc MΓ©lenchon na walang kinalaman ang kanyang partido sa insidente at tinawag na paninirang-puri ang mga akusasyon.
βNagpahayag din siya ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at muling binigyang-diin ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










