Itinanggi ng Pamahalaang Panlalawigan ang nagaganap na pagkuha umano ng personal na impormasyon ng mga Empleyado ng Kapitolyo na maari umanong gamitin sa darating na eleksyon.
Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, ang pangangalap ng personal na impormasyon ng mga empleyado ay bahagi ng pag-uupdate sa kanilang status bilang lingkod bayan.
Ang pag-upload ng naturang personal na datos ng mga empleyado ay kinakailangan ng Human Resources Department na siyang nagsasagawa ng nagmomonitor at nag update ng status at bilang ng nga empleyado.
Bahagi rin umano ito ng digitalization sa personal data upang mas madaling matukoy ang pagkakakilanlan ng isang empleyado tulad ng sistema sa ibang kompanya.
Kaugnay nito, tiniyak ng pamahalaang panlalawigan na tinuturing na confidential ang personal data na nakakalap sa bawat empleyado na nakasaad sa Data Privacy Act ng bansa.
Base sa ilang report na lumalabas ay gumagamit umano ng Isang application ang kapitolyo kung saan kapag nailagay ang pangalan at cellphone number ng Isang Empleyado ay lalabas na rin ang Voter’s Precinct Number nito. |πππ’π£ππ¬π¨