𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟

Nanindigan ang lokal na pamahalaan ng Urbiztondo sa pagpapatigil ng umano’y nagaganap na paglalaro ng bingo sa isang barangay dahil sa kakulangan ng mga kaukulang permit.

Ayon sa pahayag ng LGU Urbiztondo sa social media, ipatutupad lamang ang batas ayon sa inilalabas na regulasyon at alituntunin ukol sa mga ganitong uri ng aktibidad.

Matatandaan na pinatigil ng kapulisan ang paglalaro ng bingo sa Brgy. Bituag kamakailan lamang dahil wala umano itong Mayor’s permit.

Ayon naman sa organizer ng palaro, katuwaan lamang ang bingo at wala umanong pera na nakataya kaya hindi na ito nangangailangan ng Mayor’s permit.

Bagamat napatigil na, nanindigan ang organizer na hindi na kailangan ng permit mula sa alkalde base na rin sa konsultasyon sa kanilang abogado.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pagsunod sa alituntunin na nakasaad sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments