𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗠𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗔Ñ𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔

Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem sa publiko ang paglilimita muna sa mga mabibigat na sasakyan na dumaan sa Caañatan Bridge dahil sa kondisyon nito.

Nagkaroon ng malubhang pinsala ang naturang tulay kung saan maaaring magdulot ng panganib sa mga sasakyang tatawid.

Naglabas din ang LGU Mangatarem noon January 2024 ng advisory ukol sa paglilimita sa bigat ng dumadaan sa tulay ngunit hindi naman umano sinusunod ng publiko.

Muling paalala sa publiko na sumunod sa alituntunin at tanging magagaan na sasakyan muna ang pahihintulutan na dumaan sa naturang tulay nang sa gayon ay maiwasan ang ano mang uri ng aksidente.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang LGU Mangatarem sa kinauukulan para sa pagsasaayos ng naturang tulay. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments