𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Nagsagawa ng malawakang paglilinis sa mga coastal areas ang mga residente ng Alaminos City alinsunod sa adhikaing ‘Sabay-sabay na Lingguhang Aktibidad sa Paglilinis’.

Ang naturang aktibidad ay isa sa mga adhikaing patuloy na isinusulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may layong mapanatili ang kalinisan sa mga kailugan at kapaligiran.

Bahagi rin ito ng paghahanda ng lokal na pamahalaan ng lungsod upang maiwasan posibleng pagbaha.

Samantala, hinimok lahat ng mga residente ng lungsod na makiiisa at maging prayoridad ang paglilinis sa mga kanal, kalsada, imburnal, ilog, sapa, parke, coastal area, creek sa bawat barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments