Nanawagan ang ilang bumibisita sa Roman Catholic Cemetery sa lungsod ng Dagupan na linisin o hakutin ang mga tambak na basura sa Sementeryo upang maging maayos Sana ang pagdalaw ng mga ito sa kanilang mga yumaong pamilya o mahal sa buhay.
Minsan lang umano sa isang taon ang Undas kung kaya’t sana ay ito ay pagtuunan ng pansin.
Imbis na makapunta pa Sana sa puntod ng kanilang mga yumao ay hindi na raw magawa dahil sa pangamba ng mga ito para sa kanilang kalusugan dulot ng daan na marumi, maputik at may tubig pa.
Ang Ilan ipagtitirik na lang daw ng kandila ang kanilang mga yumao sa kanilang bahay dahil sa naturang sitwasyon sa Sementeryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments