Patuloy na tinututukan ngayon ang mga batang mag-aaral sa Dagupan City pagdating sa pagpapataas ng reading comprehension.
Ayon kay Dagupan City Librarian CIO, Marilyn Caguioa, isang malaking aspeto na malinang ang kaisipan ng mga bata sa pagbasa.
Bukod sa pagkatuto sa wikang Ingles kinakailangang matuto ang mga ito sa Wikang Filipino.
Binuksan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang isang Reading Nook sa isang mall upang maturuan ang mga batang hirap sa pagbabasa at gustong hasain ang kaisipan.
Aniya, nasa 20 hanggang 40 na batang mag-aaral ang kanilang natuturuan sa naturang nook library kada araw simula noong magbukas ito sa publiko.
Libre para sa lahat ang naturang nook library at maaaring magpunta ang mga magulang dala ang mga anak na nais matutong bumasa.
Layunin rin nito na maiwasan ang madalas na paggamit ng gadgets at ituon ang atensyon sa pagbabasa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨