𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗖𝗧𝗩

Arestado ang 31 anyos na suspek mula Brgy. Nancayasan, Urdaneta City na si Daria Akgun matapos mahuling magnakaw ng pera na pinagbentahan ng isda sa may Brgy. Dilan Paurido Fish Port sa nasabing lungsod.

Nilapag lang umano ng mga biktima ang kanilang bag na naglalaman ng pera sa lamesa upang ayusin ang kanilang binebentang isda nang pagkabalik, ay napansing nakabukas ang naturang bag. Napag-alaman na ang P10, 750 mula kay Marjo Peralta at P15, 000 mula naman kay Leah Astudillo, ay tinangay sa bag.

Nang tignan ang CCTV, nakilala ang suspek na tumangay sa pera. Narekober dito ang halaga na P6, 040. Nasa kustodiya ng Urdaneta City Police Station ang suspek at haharap sa karampatang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments