Hindi umano dapat ikahiya ang pagpapa-AIDS at HIV testing para malaman kung positibo o negatibo ba sa naturang sakit ayon sa Department of Health Region 1.
Ayon kay DOH Region 1 Regional Director, Dr. Paula Paz Sydiongco, sumasailim rin muna sa counseling ang isang indibidwal bago tuluyang magpa-test para hindi matakot ang pasyente kapag nalaman kung ito ba ay positibo o negatibo sa naturang sakit.
Saklaw rin sa batas ang pagsisigurong protektado ang karapatan ng bawat pasyente at data privacy ng mga nagpapacheck-up o nagpapatest para sa naturang sakit.
Sa kabilang banda, isa rin sa binibigyang atensyon ng departamento ay ang mental health kung saan nagkakaroon ng interbensyon patungkol dito at mga counseling para sa pagsisigurong natutukan ang mga taong nakakaramdam ng depresyon.
Hinihikayat din ang publiko na huwag mahihiyang humingi ng tulong sa tanggapan kung sakali mang nakararanas na ng mental health problems nang sa gayon ay matulungan sila sa kanilang nararamdaman at agad itong maagapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨