𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗥𝗜𝗣𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦

Hindi umano nakatulong ang pagpapababa ng taripa sa bigas sa pagpapapababa ng presyo nito sa bansa.

Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan News Team, kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, bumaha ng 16 milyong kaban ng bigas ang pumasok sa Pilipinas simula nang ipatupad ang amendments sa Rice Tarrification Law partikular ang paglagpak nito sa 15% mula sa 35%.

Dahil dito, 5.2 Bilyong piso ang nawala sa mga magsasaka.

Hindi aniya totoo na naibaba ang presyo ng bigas, bagkus ito ay nakaapekto pa umano sa mga pagpipilian dahil kumaunti ang mga nagsusuplay at sinusuplayan ng regular milled rice.

Inaasahan naman na bababa ang presyo ng bigas sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre dahil sa pagprodyus ng mga lokal na magsasaka at hindi sa ibinawas na taripa.

Sa ngayon, pumapalo ng 48 ang pinakamurang bigas samantalang 60 ang pinakamataas na presyo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments