Posible naman umano ang plano o hinahangad ng pamahalaan ng bansa ang pagpapababa sa presyo ng bigas, ayon sa Samahan ng Industriya at Agrikultura.
Ayon sa panayam ng iFM News Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, naniniwala itong kayang mapababa ang presyo ng bigas kung isa subsidize ng gobyerno ang presyo nito at ibenta sa mas mababang halaga.
Sa ngayon, kinuwestyon naman nito ang planong maibaba ito sa hanggang bente pesos, dahil paano umano maibebenta ang bigas sa nasabing halaga kung ang palay mismo ay nabibili ng hindi bababa sa bente pesos.
Samantala, hindi umano kaya ngayon ng puhunan ng National Food Authority o NFA ang adhikaing ito dahil posibleng malugi ang ahensya ng aabot sa 6 million, ayon sa SINAG.
Pagtataya naman ng SINAG, na sa paggalaw sa mga international na salik pa rin ang dahilan ng hindi pagbaba ng presyo ng bigas, na nararanasan din sa ibang bansa, tulad sa Thailand, sa usapin halimbawa sa salik ng produktong petrolyo.
Sa kasalukuyan, hinikayat nito na maibenta ang mga bigas sa KADIWA sa mas murang halaga, gayundin ang pagtatayo nito sa mas maraming lugar. Ngunit, sa ngayon, ang mga nagbebenipisyo sa naturang programa ay sa mga piling lugar lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨