𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗨𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗢𝗦𝗢𝗛𝗜𝗡

Seryosohin, yan ang naging pahayag ng isang public historian ukol sa mga gurong hahawak sa pagtuturo ng kasaysayan sa mga paaralan sa bansa matapos ipag utos ni Pangulong Marcos na bigyan ng prayoridad ang pagtuturo ng kasaysayan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Filipino Public Historian Professor Xiao Chua, mas naaangkop umano kung isang guro na nag-aral sa kasaysayan o isang Historian ang magtuturo sa asignatura tulad ng Araling Panlipunan. Ito umano ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng maling impormasyon sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa kasaysayan ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments