𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗗 𝗪𝗔𝗟𝗟 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔 𝗢𝗙 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗢𝗙 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗥𝗜

Umani ng papuri sa social media ang pagpapalabas ng ulat panahon sa Led wall na nasa harapan ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa Kabila ng Bagyong Kristine.

Kahapon, pagpatak sa Oras ng angelus, tumigil ang lahat ng sasakyan at motorista sa harap ng simbahan upang manalangin na sinundan naman ng pagpapalabas ng ulat panahon mula sa DOST-PAGASA.

Ayon sa isang netizen, magamit ang tunay na layunin ng led wall upang magpakalat ng mga napapanahon at tamang balita sa panahon ng sakuna.

Ilan pa sa mga ito sinabi na kailangang tularan ang naturang hakbang ng LGU lalo na ngayong malaking gampanin ang maalam sa panahon ng bagyo.

Noong nakaraang taon inilagay ang naturang led wall upang malaman ng publiko ang mga mahalagang anunsyo, live updates, programa at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments