𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗕𝗔𝗢 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬 𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗜𝗥𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Tututukan ng Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos ang produksyon at marketing ng mga carabao-based products sa bayan matapos makatanggap ng P10 million na pondo sa ilalim ng Carabao-Based Business Improvement Network o CBIN.

Sa bisa ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philippine Carabao Center at Alaminos Carabao Raisers Association, paiigtingin pa ang carabao industry sa lungsod upang matulungan ang mga farmer-entrepreneurs sa lungsod.

Ilulunsad sa ilalim ng programa ang Dairy Box sa bahagi ng Lucap Park upang itampok ang mga produkto.

Sasailalim din sa training, capacity building at production marketing and research development ang mga miyembro ng asosasyon.

Ang naturang programa ay inaasahan na makakatulong sa pagpapa angat pa ng turismo ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments