𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝗖𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗣𝗔𝗧𝘀, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘

Cauayan City — Isinagawa ng Echague Police Station ang isang araw na seminar para sa mga Barangay Peacekeeping Action Teams noong Disyembre 23, 2025 sa Barangay Narra, bilang bahagi ng mga hakbang upang palakasin ang kakayahan ng mga barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Layunin ng pagsasanay na bigyan ang mga BPAT ng mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan sa pagpapatupad ng batas, tamang pagtugon sa mga insidente, at paghawak ng mga usaping pangkomunidad.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Katarungang Pambarangay, wastong crime scene response, Violence Against Women and Children, tamang pamamaraan ng pag-aresto at paggamit ng posas, pagpapatupad ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kaalaman hinggil sa Executive Order No. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon sa pulisya, layon din ng seminar na patibayin ang koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng Philippine National Police at mga opisyal ng barangay upang matiyak ang mas mabilis at epektibong pagtugon sa mga isyu ng seguridad at kaligtasan ng mamamayan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga barangay tanod at kasapi ng Barangay Peace and Order Committees mula sa iba’t ibang barangay ng Echague at nagtapos sa pamamahagi ng certifications bilang patunay ng kanilang pakikilahok sa pagsasanay.
Source: PNP Echague
Facebook Comments