Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga programang naaayon sa United Nations Sustainable Development Goals na may layong mabago at mapabuti ang mga larangang alinsunod sa labing-pitong layuning nakapaloob dito.
Sa kasalukuyan, pinapalawig ang mga proyekto sa ilalim ng Zero Hunger, Good Health and Well Being, Quality Education, Life on Land, at Sustainable Cities and Communities.
Katuwang ng LGU Dagupan ang barangay councils mula sa 31 barangays sa syudad sa pagsasakatuparan ng mga programang hatid para sa mga Dagupeños maging mga school partners sa larangan naman ng edukasyon.
Samantala, katuwang ang mga tukoy na UN SDG partners ay ang napipintong pagsasagawa muli ng annual celebration ng Children’s Summit sa darating ng buwan ng Pebrero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨