Isinusulong ngayon sa senado ang pagpapalawig ng termino ng Barangay at SK Officials sa Pilipinas kung saan nakatakdang gawin na anim na taon ang kanilang panunungkulan.
Inihayag ni Sen. Imee Marcos sa pagharap nito sa media sa Dagupan City, hindi naman umano puwedeng taon-taong magkaroon ng eleksyon, dahil ang mga BSK Officials ay mayroon lamang dalawang taon ngayon.
Ayon sa COMELEC, itinuturing na Super Elections ang magaganap sa 2025. Kung saan, isasagawa ang National Midterm Elections, BSK Elections at BARMM Elections.
Gayundin, inilahad nito ang planong pag-automate sa Barangay Elections mula sa normal na pamamaraan nito.
Aniya pa, na mas magiging magastos kung automated ang magiging sistema ng naturang botohan.
Matatandaan na ilang beses nakansela ang BSK Elections buhat ng nagdaang pandemya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨