CAUAYAN CITY- Pinapangasiwaan ngayon ng National Irrigation Administration Region 2 ang konstruksyon ng 116 yunit ng Solar-Powered pumps.
Ito ay sa pamamagitan ng Isabela Irrigation Management Office at kasalukuyan ang Georesistivity tests sa mga lokasyon kung saan puspusan ang pagbabarena sa mga ilang site at pag- install ng mga solar panel.
Layunin ng nasabing proyekto na patubigan ang mga lupain na hindi naabot ng kasalukuyang sistema ng patubig kung saan masasaklaw nito ang iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Isabela at mabebenepisyuhan nito ang 959 magsasaka at mapapatubigan ang 877 hektarya ng pananim.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa 28.97% na ang natapos sa kontruksiyon ng nasabing solar-powered pumps.
Facebook Comments