𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗩𝗔𝗪𝗖 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ang isang symposium para sa pagpapataas ng kamalayan sa paglaban sa karahasan sa lungsod ng Alaminos. Nilahukan ito ng mga barangay kagawad, tanod at Violence Against Women and Children desk officers ng lungsod.

Ang pagsasagawa ng naturang symposium ay bilang pakikibahagi rin sa National Peace Consciousness Month at National Crime Prevention Month.

Tinalakay sa mga dumalong opisyal ng barangay at VAWC desk officers ang iba’t-ibang batas na nagbibigay ng karapatan at proteksyon laban sa karahasan tulad ng Anti-Violence Against Women and Their Children, Anti-Sexual Harassment, Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law, maging Anti-Rape Law.

Natalakay rin sa naturang aktibidad ang Bomb Threat Awareness at Bomb Threat Management at ang kahalagahan ng mga ito na maging maalam sa fire safety nang maiwasan ang panganib sa loob ng kanilang mga nasasakupang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments