Sisimulan na ang pagpapatayo sa Nuclear Medicine Facility matapos maganap ang Groundbreaking ceremony nito kailan lamang sa Region 1 Medical Center (R1MC), sa lungsod ng Dagupan.
Kasabay pa nito ang pagpapasinaya ng Center for Disease Prevention and Control Building (Public Health Center) sa magkaparehong panahon at lokasyon.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni 4th District. Rep. Cong. De Venecia, lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni MBTF at katuwang sa pagpondo ng naturang Public Health Center na si Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan.
Nagpahayag din ng suporta ang mga kawani ng DOH, tulad ni DOH Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa at Under Secretary Maria Rosario Vergeire.
Layon ng bagong tayong pasilidad na mas palawigin pa ang health care system na siyang tutugon sa suliraning pangkalusugan ng mga Dagupeño at mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨