Pinaigting pa ng mga awtoridad ang kanilang pagpapatrolya sa mga karagatan ng Pangasinan matapos na magkaroon na ng dalawang beses na pagkakatagpo ng mga iligal na drogang palutang-lutang sa karagatang sakop ng lalawigan.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay PNP Pangasinan PIO PCAPT. Renan Dela Cruz, nakababahala umano ang pagkakatagpo ng mga ganitong klase ng iligal na droga sa mga baybayin kung kaya’t dapat umanong matutukan ang mga karagatan lalo at malawak ang coastal areas na sakop ng lalawigan.
Sanib pwersa ang hanay ng PNP, Philippine Coast guard, Maritime group, Navy, NDRRMO at CDRRMO para sa pagpapaigting pa ng kanilang kampanya laban sa pagpapatrolya sa mga sakop na karagatan ng lalawigan.
Samantala, nagbigay babala naman ang kapulisan na kung sino man ang nagtatago o makakahanap ng iligal na droga para ibenta ay haharap sa karampatang parusa at pagkakakulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨