Inihahanda na ng Sangguniang Panlalawigan ang full implementation ng Republic Act No. 11313, Safe Spaces Act o ang Anti-Bastos Law sa lalawigan ng Pangasinan.
Nauna nang inihain ng Provincial Inter-Agency Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (PIACAT-VAWC) ang isang resolusyon ukol sa paghikayat sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan sa pagsasakatuparan nito.
Matatandaan na naisabatas ang Anti-Bastos Law noong April 17, 2019 at inaasahang matatamasa ng publiko ang mga probisyong nakapaloob dito, ang parehong proteksyon at kaparusahan para sa mga lumalabag. Layon ng pag-iimplementa nito sa Pangasinan na maitaguyod ang ang karapatang pantao ng bawat indibidwal laban sa anumang uri ng panghaharass o pambabastos sa parehong public at online spaces, workplaces, maging sa mga educational at training na institusyon.
Samantala, bibigyang linaw ang mga kaalaman at probisyong nakapaloob sa naturang resolusyon ngayong araw sa magaganap na SP session. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨