𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗢𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Seryoso ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City kaugnay sa pagsulong nito sa lungsod sa pagpapatupad ng mas maayos na pamamaraan ng pagtatapon ng basura.
Isang dumpsite inspection ang isinagawa nito lamang ng LGU DAgupan kasama ang ilang kawani ng City Engineering Office para tignan ang mga container na gagamitin para sa tamang pag-segregate ng mga basura sa lungsod.
May iba’t-ibang kulay ang mga bins na magsisilbing palatandaan kung saan itatapon ng tama ang mga basura.
Blue bins para biodegradable o food waste, red bins para sa mga hazardous waste, orange bins para sa mga bottles at metals, at green bins naman para sa mga ‘holcimable’ materials.
Ang mga naturang bins ay ilalagay sa iba’-ibang bahagi sa lungsod gaya s amga markets at mga barangay nang sa gayon ay mapalakas pa ang pagsulong ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay kahalagahan ng prope waste management.
Kasama rin sa pagsasagawa nito ang Waste Management Division, Market Division, Task Force Anti-littering Tondaligan Park Admin.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments