𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗥𝗔𝗚𝗢𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗡𝗘𝗪 𝗬𝗘𝗔𝗥, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isinagawa sa lungsod ng Dagupan ang pagsalubong sa year of the wood dragon nitong Chinese new year sa pamamagitan ng isang motorcade sa central business district at maging pamamahagi ng tokens bilang bahagi ng Chinese culture.

Ang pagsasagawa ng ganitong selebrasyon ay bilang pakikiisa sa Filipino-Chinese community sa lungsod na siyang kinabibilangan ng mga asosasyon, industriya at incorporation.

Nagsagawa rin ng Dragon and Lion dance sa naturang selebrasyon na siyang tradisyon sa Chinese New Year.

Samantala, ilan sa mga nakibahagi sa selebrasyon na ito ay ang alkalde ng lungsod, Mayor Belen Fernandez, mga ibat ibang asosasyon at samahan mula sa filipino-chinese community, at mga katuwang na national agencies tulad ng PNP, BFP, POSO, CDRRMC, GSO, City Engineer’s Office, Waste Management Division, Senior Citizen Affairs Office, at Tourism & Cultural Affairs Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments