𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗨𝗠𝗨𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗔

Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario na nagsagawa ng pulong sa kanilang bayan kaugnay sa Pagsasaayos at pagpapalawak ng kanilang pamilihang bayan.

Ayon sa opisyal, maraming mga bagay na kailangan ayusin sa nasabing pamilihan na matagal ng hindi umano nagagalaw.

Kasama na dito ang pagsasaayos ng mga parkingan maging ng pagsasaayos sa mga pwesto upang hindi halo-halo ang mga ito.

Sa ngayon, pinag uusapan na ang magiging disenyo ng nasabing pamilihang bayan na inaasahang maisasapinal sa lalong madaling panahon.

Ang nasabing programa ay naglalayong mahikayat ang mga bumibisita sa bayan na doon na rin mamalengke pagkatapos bumisita sa pamosong Minor Basilica. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments