𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗬𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗚𝗥𝗜𝗗

Nagpapatuloy hanggang ngayong araw ang pagsasailalim sa Luzon Grid sa Yellow Alert Status, habang ang Visayas at Mindanao Grid ay nananatiling nasa normal condition.

Ayon sa pinakahuling anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), muling iimplementa ang Manual Load Dropping (MLD) kung saan inaasahan na makakaranas ng power outage ang ilang apektadong bahagi sa Luzon.

Inalmahan naman ng ilang mga apektadong residente ang patuloy na nararanasang suliranin sa kuryente. Hiling pa ng mga ito na kung maaari ay sa araw na lang umano ipatupad ang mga kinakailangang pagsasaayos at hindi sa gabi, lalo na at ramdam pa rin umano hanggang sa kasalukuyan ang init ng panahon.

Samantala, ang madalas na ipatupad na MLD ay ang kontroladong pagbawas sa karga ng kuryente upang mapanatili ang katatagan ng suplay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments