𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗔𝗪𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢 𝗥𝗢𝟭 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Nagsagawa ang tanggapan ng Land Transportation Office Ilocos Region ng deputation seminar na dinaluhan ng mga law and traffic enforcement personnel mula sa PNP at POSO sa bayan ng Binmaley.

Tinatalakay dito ang kaalaman tungkol sa land transportation laws, rules and regulations na kinakailangan ng mga enforcement personnels at pinaniniwalaan ng LTO na makakatulong sa mas ligtas at mas mabisang sistema ng transportasyon sa Region 1.

Layunin ng naturang pagsasanay na gawing deputized regulation officers ang mga piling personnel na nakilahok.

Kasabay nito, nagsagawa rin ang tanggapan ng enforcement activity sa mga major thorough ways at national road sa Binmaley kamakailan lang kaisa ang hanay ng kapulisan sa pagsita at pagsuri sa pagsunod ng mga motorista sa batas trapiko at regulasyon na ipinatutupad ng LTO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments