
Cauayan City – Sumailalim sa isang pagsasanay kaugnay sa paggawa ng pichi-pichi ang 63 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na isinagawa sa BJMP Cauayan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni JO2 Juvilyn R. Guillen, Skills Enhancement Officer, sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Jail Warden JCINSP Susan T. Encarnacion.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kalahok ng kaalaman sa kabuhayan at matutunan ang mga praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit sa hinaharap.
Bukod sa praktikal na kaalaman sa paggawa ng pagkain, itinuturo rin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan, pasensya, at pagiging masigasig sa anumang gawain.
Ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng bilangguan na palakasin ang empowerment ng mga PDL sa pamamagitan ng edukasyon at praktikal na kasanayan.
Photo credit: BJMP CAUAYAN
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










