𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚-𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗘 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗚𝗬, 𝗞𝗜𝗡𝗢𝗡𝗗𝗘𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Kinondena ni 2nd District Representative Congressman Cojuangco ng lalawigan ng Pangasinan ang pagsasawalang-bahala umano ng Department of Energy (DOE) ukol sa usaping pagtatatag muli ng nuclear power plant sa bansa.

Ayon sa kongresista, hindi umano nakikita ng pamunuan ang kahalagahan ng pagkakaroon muli nito at bilang isang potensyal na oportunidad sa pagbubukas ng maraming mga salik na posibleng makatulong sa paglago ng ekonomiya.

Matatandaan na pinakalayunin sa pagsulong ng naturang nuclear energy ni Chairman on Special Committee on Nuclear Energy na matulungan ang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas ligtas at mas murang kuryente, maging umpisa ng oportunidad sa employment ng bansa.

Patuloy namang gumugulong ang usad nito sa kamara sa pagbabahagi ng kaalaman na nakapaloob sa nasabing usapin.

Samantala, kung tuluyang maaprubahan at maisakatuparan, target na naipatayo ang power plant sa bayan ng Labrador, dito sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments