Iminungkahi ngayon ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang pagkonsidera ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang pagtaas sa sakop ng hospital bills para sa mga pasyenteng na-admit sa pribadong ospital.
Panawagan din ng ilang mga Pilipino na kahit hindi maaabot ang kalahating porsyento ng kanilang hospital bill ang i-cover ng PhilHealth, at kahit nasa hanggang dalawampung porsyento ay makatutulong na ito.
Ayon naman ilang Pangasinense, hindi porket naitatakbo sa pribadong ospital ay may kakayahan nang makisabay sa mga mamahaling bayarin, at kung nasa malalang kondisyon ay nararapat lamang na mailagay sa private upang mas higit na matututukan.
Samantala, nakatakdang makipag-usap si Romualdez kasama ang kawani mula PhilHealth at DOH upang talakayin ang mga usapin kaugnay sa nasabing isyu.
Kaugnay pa nito ang matatandaang pag-anunsyo ng pamunuan ang planong pagtaas ng 30% sa ilang benefit package simula February 14. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨