Patuloy na iniinda ng mga konsyumer ang patuloy na pagtaas ng produktong LPG sa merkado.
Ngayong Pebrero, muli na namang sumipa ang presyo nito ng halos piso kada kilo, o P10.45 sa kada 11-kilo na tangke. Sa ngayon, nasa ₱875-₱1,060 na ang presyuhan kada tangke nito.
Matatandaan na higit tres pesos ang bumungad na taas presyo nito noong nakaraang buwan.
Samantala, napapakamot na lang sa ulo ang mga konsyumer sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng LPG, kaya iba’t-ibang alternatibo ang kanilang ginagamit tulad ng uling o kahoy. Anila, halos nagsasabay-sabay ngayon ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin kaya sila’y nagtitiis muna sa kung ano ang kaya nila.
Bunsod pa rin ng tension sa Red Sea ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng LPG. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨