Daing ng ilang mga magsasaka sa bayan ng Bugallon ang umiiral na mataas na presyuhan ng palay kasunod na rin ng panahon ng anihan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang magsasaka sa bayan, pinakaproblema umano ng mga ito sa ngayon ang mababang pagbili sa kanila ng palay.
Ayon sa kanila, nasa 22 pesos kada kilo ang presyo ng palay, depende pa sa klase.
Dahil dito, hiling nilang tumaas ito ng kahit piso hanggang dalawang piso.
Ilan pa sa mga nakakaapekto ng kanilang kabuhayan ang mahal na farm inputs, pataba at iba pa.
Samantala, nabigyan ang ilang asosasyon ng mga magsasaka sa Bugallon ng tulong mula sa gobyerno upang maibsan ang ilan sa mga kinakaharap na suliranin sa sektor ng agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments