Matapos umalma ang ilang mga fish vendors at iba pa sa biglang pagtaas ng kanilang mga Renta ay siya namang Naging public hearing kaugnay sa market code ng bayan nitong nakalipas na lunes.
Dito ay nalaman na rin ang dahilan ng pagtaas ng renta ng mga naunang nagbayad ng Renta sa public market kung saan ay pang buong taon ang na-input sa halip na pang-isang buwan lang.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Mangaldan Sangguniang Bayan Member Pro Tempore Presiding Officer Aldrin Soriano, ang na-input aniya kasi ay pang isang buong taon na garbage fee sa bayan imbes na pang isang buwan lang.
Dahil dito ay agad naman anila itong inayos at babalik na sa normal ang bayad ng mga vendors ng bayan.
Kasabay nito ay ang pagtitiyak na napupunta sa tama ang binabayaran ng mga market vendors lalo na sa mga programa ng pamahalaan.
Samantala, tinatalakay na rin ang pag-amyenda sa market code ng bayan na noong 2017 pa nalathala na mismong ang opisyal ang may akda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨