𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜 𝗔𝗧 𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗢𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Ikinatuwa ng mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang pagtaas sa ani at kita ng mga ito bunsod ng umiiral na Corporate Farming sa probinsya.

Matatandaan na inilunsad ang naturang programa upang matulungan ang mga local farmers ng lalawigan pagdating sa produksyon at gastusin sa pagsasaka.

Target din nitong mapalakas pa ang sektor ng agrikultura ng Pangasinan sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng drone seeding, riding type and walk behind palay transplanter hatid sa mga magsasaka.

Kaugnay nito ang naganap na Production Field Day, Mass Graduation and Presentation of Technology Demonstration Results kung saan nagtitipon ang mga magsasaka sa bayan ng Mabini. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments