𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘, 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Asahan na umano ang pagtaas sa presyo ng karne sa mga palengke sa Dagupan City ayon sa ilang negosyante.

Anila, sa pagpasok ng buwan ng Disyembre at kapaskuhan, normal na sistema ito dahil sa pagtaas ng demand ng karne.

Sa ngayon, nasa 180-190 kada kilo ang presyo ng Manok habang 340-360 ang kada kilo ng karneng baboy.

Ilang linggo na ring walang paggalaw sa nasabing presyo ng mga nabanggit na produkto.

Sa ngayon, sumisigla ang bentahan ng karne at hindi nakikitang maapektuhan ang supply nito habang papalapit ang holiday season.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments