𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔

Inaasahan na mas tataas pa ang maitatalang heat index sa mga susunod pang araw, dahilan ang patuloy na pag-iral ng El Niño Phenomenon na sinabayan pa ng pagpasok ng dry season sa bansa.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa 42 hanggang 44 degrees Celsius ang kadalasang naitatalang mataas na heat index sa iba’t-ibang bahagi sa bansa.

Ayon sa pinakahuling monitoring ng PAGASA, labing-isang mga lugar ang inaasahang makakapagtala ng pasok sa ilalim ng dangerous category, ito ay ang mga lugar ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City na may 42°C; Dagupan City, Pangasinan- 43°C; Aparri, Cagayan- 43°C; Puerto Princesa City, Palawan- 42°C; Aborlan, Palawan- 43°C; Central Bicol State University of Agriculture in Pili, Camarines Sur- 43°C; Roxas City, Capiz- 44°C; Iloilo City at Dumangas, Iloilo – 43°C; Catarman, Northern Samar- 42°C; Cotabato City, Maguindanao – 42°C.

Ilan pang salik tulad ng Ridge o High Pressure Area at Easterlies ang nakakaapekto sa lagay at kung bakit nararanasan ang mainit na panahon ngayon.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa mga nararapat gawin upang maiwasan ang posibleng dala nitong banta sa kalusugan ng isang tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments