Itinutulak ngayon ang pagtatag ng Philippine Center for Accelerated Salt Research and Innovation sa Pangasinan State University.
Ayon kay PSU President Elbert Galas katuwang ang tanggapan ng Department of Science and Technology upang maisakatuparan ang proyekto.
Ani Galas, isa ang Pangasinan sa top producers ng asin sa bansa, kaya’t malaking tulong umano ito sa pagpapaunlad at paglinang ng industriya ng asin.
Marapat lamang umano na ito ay itayo sa Pangasinan, dahil ito ay nagdadala ng pagkakakilanlan ng lalawigan sa komersyo.
Samantala, matatandaan na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang Pangasinan Salt Center, kamakailan kung saan ito ay umaarangkada na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments