Sanhi ng papalapit na dry season, hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka na pansamantalang magtanim ng drought-resistant crops na hindi nangangailangan ng labis na tubig at kayang mabuhay sa sobrang init upang hindi labis na naapektuhan ng El NiΓ±o.
Sa pahayag ni DA Regional Office 1 Regional Technical Director Dennis Tactac, inabisuhan niya ang mga magsasaka sa unang rehiyon na mainam na magtanim ng mais, pinakbet vegetables o di kaya ay root crops habang umiiral ang dry season.
Kung ipagpapatuloy naman ang pagtatanim ng palay, payo ni Tactac na kung hindi strategically located na malapit sa water reservoir o irigasyon ang kanilang taniman, siguraduhin na nasa maayos na kalagayan ang kanilang irrigation system at gumamit ng water-saving technologies.
Samantala, pinaghahandaan ng DA ang pagpapamahagi ng pump, engine sets at solar-powered irrigation system sa mga farmer’s association sa Ilocos Region.
Ayon sa PAGASA maaaring umiiral ang el niΓ±o phenomenon sa bansa mula Marso hanggang Mayo at labis na nakakaapekto sa sektor ng agrikultura. |πππ’π£ππ¬π¨