Isinusulong ng City Agriculture Office ang pagtatanim mga prutas at gulay sa mga public schools sa Dagupan City bilang dagdag nutrisyon sa mga mag-aaral.
Nagpamahagi ang DepEd Dagupan ng mga punla ng prutas at gulay upang itanim sa mga paaralan at mapakinabangan ng mga mag-aaral.
Ayon sa alkalde ng lungsod, umaasa silang mapalago ng mga ito ang mga ibinahaging punla upang maging kapaki-pakinabang sa mga paaralan na makapagbigay ng masustansyang pagkain lalo na kung magsasagawa ng feeding program.
Bukod sa mga punla, tumanggap din ang mga paaralan ng 3 units of knapsack sprayer, assorted vegetable seeds, seedling tray at commercial/organic fertilizer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments