𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗘𝗞𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Lubos na naniniwala ang Pamahalaang Panlalawigan sa magiging dagdag na tulong sa ekonomiya ng Pangasinan ang pagtatatag ng Pangasinan Trade Center.

Matatandaan na kamakailan ay naging matagumpay ang pakikiisa ng ilang local entrepreneurs sa lalawigan sa ginanap na International Food Expo.

Hinikayat ng Gobernador ang Provincial Economic Development and Investment Promotion Office (PEDIPO) na i-promote sa mga malalaking investors ang Pangasinan.

Sa pamamagitan umano ng Pangasinan Trade Center ay magsisilbing daan sa global market ng mga MSMEs sa lalawigan. Dagdag pa na palalakasin nito ang potensyal ng ekonomiya ng Pangasinan sa usaping investment, business at development. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments