Muling iminungkahi sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang pagkakaroon ng isang health facility na aalalay partikular sa mga nanay at bata sa Dagupan City.
Sa ilalim ng Proposed Draft Resolution No – 6357, nakasaad dito ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa lungsod bilang suporta sa mga serbisyong medikal na kinakailangan ng mag-ina.
Ayon kay Minority Floor Leader Michael Fernandez, mayroon nang inisyung Certificate of Urgency ang alkalde kaya’t maaari na itong pag-usapan upang maproseso ang pag-usad nito.
Binigyang diin ang kahalagahan ng Primary Health Care na responsibilidad ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang krisis sa pangkalusugan lalong lalo sa mga nanay at mga bata. |πππ’π£ππ¬π¨