Ibinahagi sa mga Dagupenos ang wastong pamamahala sa basura bilang pagtugon sa anim na dekada nang krisis ng lungsod ukol dito.
Binigyang-diin ang ang kahalagahan ng “segregation” o paghihiwalay o pag-uuri ng mga basura ayon sa nabubulok at di- nabubulok.
Klinasipika ang mga garbage waste sa ilalim ng Holcimables ito ang mga plastic waste na walang metal, na kinabibilangan ng plastic bags, sando bag, lumang damit, tela, basahan, mga upos at balat ng sigarilyo, lumang sapatos, tsinelas na walang bakal, drinking straws, plastic bottle.
Nararapat din ang paghihiwalay ng mga basura na Biodegradable o mga bagay na organikong basura na maaaring madecompost at magamit na pataba tulad ng tirang pagkain, balat ng prutas o gulay, dahon, dumi ng hayop, at iba pa.
Sa ilalim ng pag-aayos ng mga basurang Medical/Sanitary Waste tulad ng mga napkin, diapers, hospital waste, face mask, syringe at needles at ang Hazardous waste o mga basurang naglalaman ng uri ng kemikal tulad ng paint, gasoline, solvents, thinner at chemical cleaners ay dapat ding paghiwalayin.
Samantala, kabilang pa sa pagtugon ang No Segregation, No Collection ng mga basura sa bawat barangay sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨