Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na mas tutukan ang pagtaguyod sa proteksyon ng mga kababaihan at kabataan sa lungsod.
Kasunod ito ng pagtiyak ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez na tumaas ang service ratings hanggang sa kasalukuyan kumpara ng mga nakaraang taon pagdating sa pagtugon partikular na ang mga kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC at anti-trafficking.
Dagdag pa nito ang iba’t-ibang programa at aktibidad na inilulunsad sa pamamagitan ng City Population Office upang maitaas ang kamalayan at kaalaman ukol sa proteksyong nararapat para sa mga bata at kababaihan.
Alinsunod dito, isinagawa kamakailan ang Shape Adolescent Orientation ng mga SK Council para sa mga kabataan sa ilang barangay sa Dagupan.
Samantala, kabilang sa inihahanda ngayon ng LGU ang programang tutugon naman sa usaping teenage pregnancy sa lungsod.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨