𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗡𝗣

Naging pangkalahatang mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Sa Naging panayam ng IFM Dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, sa kabuuan aniya ay naging generally peaceful naman ang buong probinsiya sa nakalipas na pagselebra ng bagong taon.

Bagamat may naitala na aniya sunog sa Dagupan City at illegal discharge of firearms sa San Fabian ay maituturing aniya itong isang isolated case.

Sa ngayon ay nananatiling naka-full alert status ang PNP Pangasinan at hihintayin ang utos ng national headquarters kaugnay sa pagbaba ng nasabing kautusan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments