𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗧𝗪𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗧𝗨𝗬𝗢𝗧

Patuloy na nakatutok ang Pamahalaang Panlalawigan sa sitwasyon ng probinsya kaugnay sa nararanasang tagtuyot.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, hinihintay nila ngayong linggo ang report mula sa Provincial Agriculture Office at ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at kung ano ang magiging rekomendasyon nila kaugnay dito.

Ayon sa opisyal, na inirerekomenda ng Agricultures office at DRRM office ng probinsiya ang pagsasailalim sa probinsiya sa State of Calamity ay handa umanong magsagawa ng Special Session ang Sangguniang Panlalawigan kaugnay dito.

Sa ngayon ay may mga lugar sa Pangasinan ang nakaranas na rin ng tagtuyot at kakapusan ng tubig sa mga sakahan dahil sa patuloy na mainit na panahong nararanasan sa buong Pilipinas lalo na sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments