𝗣𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗞𝗨𝗡𝗧𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗘𝗔

Hindi umano kuntento ang grupong PAMALAKAYA sa ginagawang aksyon at paraan ng gobyerno kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.

Nito lamang ay muling pinigilan at hindi tinigilan ng Chinese Coast Guard ang mga pilipinong mangingisda na nangunguha lamang ng shell sa nasabing karagatan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PAMALAKAYA Chairman Fernando Hicap, sinabi nitong ang nangyaring ito ay hindi na umano makatao at malaki na ang nagiging epekto sa ating mga mangingisda pagdating sa kanilang pangkabuhayan.

Dagdag pa niya, hindi konkreto at mabisang paraan ang aksyon na ginagawa umano ng gobyerno para maprotektahan ang karapatan at soberanya ng Pilipinas kung kaya’t hanggang ngayon ay tuloy pa rin na nakakaranas ng panghaharas ang ating mga mangingisda sa paglaot sa naturang karagatan.

Samantala, inihayag din ni Hicap na patuloy ang paghingi ng tulong ng ating bansa sa US para lutasin ang problema sa West Philippine Sea. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments