𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗜𝗡𝗣𝗨𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Patuloy ang pagpapamahagi ng mga farm inputs sa mga magsasaka sa lalawigan ng Department of Agriculture Regional Field Office 1.

Ang mga farm inputs na ito ay nagkakahalaga ng milyong milyong piso kung saan laan para sa mga magsasaka at farmer’s association sa mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Nito lamang, napamahagian na ang ilang mga bayan at lungsod sa ikatlong distrito ng lalawigan at napapakinabangan na ang mga naibahagi sa pagsasaka ng mga ito.

Layunin ng pamamahagi ng farm inputs ng DA na matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan na maibsan ang hirap pagdating sa mga pangangailangan pansaka at mapaunlad pa ang kanilang uri ng pamumuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments