Nagsimula na ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng Bagyong Nika at Ofel sa Ilocos Sur.
Nasa 3,565 na apektadong indibidwal ang nabigyan ng family food packs matapos lubhang maapektuhan sa pag-apaw ng Abra River noong kasagsagan ng pananalasa ng mga bagyo.
Matatandaan na isinailalim ang lalawigan sa Signal No. 4 matapos makaranas ng malakas na bugso ng hangin at ulan dahilan upang ma-isolate ang bayan ng Quirino sa probinsya.
Sa pagtatala ng DSWD Region 1, nasa 144,266 food at non-food items ang naipamahagi sa buong rehiyon mula noong nanalasa ang Bagyong Kristine hanggang noong kasagsagan ng Ofel.
Hinihikayat ng tanggapan ang mga LGUs sa Region 1 na magrequest ng karagdagang tulong para sa mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments