𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗩𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Bumangga ang isang pampasaherong bus sa nasa unahan nitong van sa may kahabaan ng TPLEX sa Brgy. Linmansangan, Binalonan dahil nakatulog ang driver nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na parehong binabaybay ng dalawang sasakyan ang daan patungong Baguio nang sumalpok sa likuran ng van ang pampasaherong bus.

Nagtamo ng sugat ang driver ng bus at aminado itong nakatulog habang nagmamaneho. Hindi naman nagtamo ng galos ang driver ng van maging ang pitong pasahero ng bus.

Kasalukuyang nasa tanggapan ng PNP Binalonan ang mga sasakyan na parehong may damage para sa tamang disposiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments